Two consecutive years, muling kinilalang Fully Compliant ng Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) Seal for Local DRRM Councils & Offices 2023 ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Meycauayan!

Out of 1,461 na nagpasa sa Office of the Civil Defense (OCD), nakasama ang Meycauayan sa 1,017 o 69.6% na inendorso sa National level. Mas mataas ito ng 22.3% kumpara noong 2022 kung saan nakasama rin ang lungsod. Patunay lamang ito na may kahandaan ang ating lungsod sa lahat ng sakuna.