BARANGAY ORGANIZATION
BARANGAY CAPTAIN
Hon. Carlos M. Evangelista
COUNCILORS
Pablo V. Buela
Leonila D. Cortez
Ernesto V. Dayag
Jerry A. Zafranco
Flora S. Bartolo
Susan S. Dulalia
Aries Lougie Orbe
SK CHAIRPERSON
Princess Q. Dulalia
SECRETARY
Catherine Evangelista
TREASURER
Moises E. Lucio
CONTACT NO:
0922-604-1922
MAP

HISTORY
Ang Libtong ay salitang na nangangahulugan ng malalim na parte ng isang batis o ilog.
Ayon sa isang alamat noong unang panahon ay may dumating na isang malaking bilang ng mga intsik sa pook na ito na pinangungunahan ni Lee Tong, at nanirahan sa dakong ito. Sinikap nila na makapamuhay at natuklasan nila na mayroong masaganang mina ng bato sa ilalim ng lupa. Si Lee Tong at ang kanyang mga kasamahan ay naglinis at hinukay ang mga masukal na dako. Gayun nalamang ang kanilang kagalakan nang matuklasan nila ang mga bato na kanilang nahukay ay maaring pakinabangan at ianyo sa ibat-ibang hugis.
Dito nagsimula ang magandang kapalaran ni Lee Tong at ng kanyang mga kasamahan. Naging tagapagtustos sila ng mga bato sa ibat-ibang dako. Si Lee Tong ay napabantog lalo at lalung umunlad ang kanyang kalakal. Dumami ang bilang ng nagsasadya sa bahay ni Lee Tong upang bumili ng bato. Naging bukang-bibig ang pangalang Lee Tong hanggang ang pook na kanyang tirahan ay tinawag na Lee Tong narin. Sa pagdaan ng panahon ang pangalang LeeTong ay nahalilhan ng “Libtong”.
References:
*Flora de Filipinas Según el Sistema Sexual de Linneo,” 1845
– Fr. Manuel Blaco OSA
*History and Cultural Life of Meycauayan, 1953
– Bulacan Teachers Association
*Meycauayan 1578-1978, di nalimbag na libro. 1978
– Conrado H. Reyes Ph. D.
*Aklat Pang-alaala 1998 Pagdiriwang ng ika-420 Taong ng Meycauayan
– Benedict Lapeña
*N.S.P. S. Francisco de Asis: Kasaysayan ng Buhay Pananampalataya ng Meycauayan 2008
– Ronaldo N. Dionisio S.B. Econ
*Kasaysayan ng mga Barangay sa Lungsod ng Meycauayan
– City Library and Mini-Heritage Museum