BARANGAY ORGANIZATION
BARANGAY CAPTAIN
Hon. Paul John P. Prodon
COUNCILORS
Reymar G. Adina
Daniel B. Saroca, III
Marissa DL. Dimasin
Ruben M. Navarro
Eric S. Adina
Mark Louie S. Palomares
Eduardo J. Simbulan
SK CHAIRPERSON
Kim Alcaraz
SECRETARY
Mark Julius A. Lancero
TREASURER
Nestor C. Lim, Jr.
CONTACT NO:
0917-154-2169
MAP

HISTORY
Ang Hulo ay nangangahulugang “dulo o liblib” na pook ng isang bayan. Dahil sinasabing ang pook naito ay dating madawag at magubat na hinawan at tinirhan ng mga tao at tinawag na Hulo. Dati ay kilala rin ang pook na ito sa tawag na “buslo” o sisidlan ng isda sapagkat ito ang hanapbuhay ng mga tao noon.
Ang nayon ng Hulo ay natatag nang ang bayang Meykawayan ay mabigyan ng pangalan noong taong 1578. Ito ang pook na pinagtayuan ng pamilihang-bayan ng Meycauayan noong panahon ng kastila. Bagamat madawag at magubat ang pook naito, marami ang nahikayat na nanirahan dito sapagkat sa pook na ito nagsimula ang mahusay na uri ng hanap buhay na kilala sa tawag na “pagkukulti ng balat”. Sa kasalukuyan, ang nayon ay balita parin sa pagiging isang nayon ng mga “Magkukulti ng Balat. Ang “Hermoso Tannery” at ang “Carlos Tannery” ay ang mga naging pangunahing kultihan sa nayong ito.
References:
*Flora de Filipinas Según el Sistema Sexual de Linneo,” 1845
– Fr. Manuel Blaco OSA
*History and Cultural Life of Meycauayan, 1953
– Bulacan Teachers Association
*Meycauayan 1578-1978, di nalimbag na libro. 1978
– Conrado H. Reyes Ph. D.
*Aklat Pang-alaala 1998 Pagdiriwang ng ika-420 Taong ng Meycauayan
– Benedict Lapeña
*N.S.P. S. Francisco de Asis: Kasaysayan ng Buhay Pananampalataya ng Meycauayan 2008
– Ronaldo N. Dionisio S.B. Econ
*Kasaysayan ng mga Barangay sa Lungsod ng Meycauayan
– City Library and Mini-Heritage Museum