Para sa mga Meycaueño couples na mahigit limang taon ng nagsasama, naniniwala sa forever, at handa ng mag-I DO, sagot na ng Meycauayan LGU ang inyong kasal!
SAVE THE DATE! Kasalang Bayan na sa June 28, 2024 sa City of Meycauayan Convention Center, Brgy. Poblacion!
Maaari ng ipasa at dalhin ang mga sumusunod na requirements sa City Civil Registry, 1st Floor City Hall simula ngayong araw.
Paalala, ito po ay FIRST COME, FIRST SERVED at 100 couples lamang ang tatanggapin na residente ng Meycauayan. Para sa iba pang katanungan, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook Page sa https://www.facebook.com/MeycauayanCityCivilRegistrar o mag-text/tumawag kay Mr. Robert Geronimo sa 0955-4592998.