June 19, 2023, sa pagdiriwang ng ika-162 taong kapanganakan ng ating Pambansang Bayani Gat Jose Rizal, pinasinayaan ang kanyang bagong bantayog sa tapat ng city hall ng Lungsod ng Meycauayan sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Henry R. Villarica, kinatawan ng Ika-apat na Distrito ng Bulacan Linabelle Ruth R. Villarica at Pangalawang Punong Lungsod Josefina O. Violago. Dumalo rin sa programa sina Solicitor General Menardo Guevarra, Punong Panlalawigan Daniel Fernando, at Pangalawang Punong Lalawigan Alex Castro. Pagkatapos nito, tumungo ang mga panauhin sa Tanghalang Meycaueño na matatagpuan sa ikatlong palapag ng city hall para sa ikalawang bahagi ng programa: ang Kultural ng Pagtatanghal. Tampok dito ang iba’t ibang mga talentong lokal at nasyonal, kabilang ang world-renowned Philippine Madrigal Singers. Bilang panauhing pandangal, dumalo rin ang Chairperson ng Committee on Culture and the Arts Sen. Loren Legarda sa nasabing programa.