BARANGAY ORGANIZATION

BARANGAY CAPTAIN
Hon. Homer J. Evangelista

COUNCILORS
Emiliano R. Peromingan
Joseph M. Soriano
Edgardo DC. Salas
Simplicio C. Carino
Alexander J. Evangelista
John Reginald R. Santos
Francisco N. Abcede, Jr.

SECRETARY
Florina Magkasi

TREASURER
Anne Camille Aquino

CONTACT NO:

MAP

HISTORY

Ang kahulugan ng ‘Gasak” sa tagalog ay masukal, tirahan ng mga bulig at hito. Noong araw, ang lugar daw na ito ay masukal at putikan kaya’t mainam na lubluban ng kalabaw. Ang bagay na ito ang naging batayan sa pagpili sa ipinangalan sa nayong ito.. Sa pook na ito ay totoong maraming kawayang matatagpuan. Dahil dito, ang mga taong nakatira dito ay lubhang nagkatakot dahil sa balitang kung gabi ay may makikitang gusing ginto na natatapakan ng isang bolang apoy. Marami ang mga naghahangad na makita at makuha ito ngunit nawalan ng kabuluhan ang kanilang pagpapagod. Sa simula ay dalawa lamang ang nakatirik sa lugar at ang mga nananahan sa nasabing mga bahay ay sina tandang Indong Upos at si tandang Usiong Kalabaw. Kung bakit nabansagan ng ganito ang dalawang matanda ay nalimot na ng ang kadahilanan. Masipag si tandang Indo siya ang naghahakot ng basura sa kabayanan at ito ang siya niyang pinananambak sa mga malalalim na lugar doon sa kanyang tirahan. Untiunting naging kati ang mga burak at naging lupa. Naragdagan ang dami ng bahay sa gasak at malaon ay naging isang nayon. Sa paglipas ng panahon ang pangalan ng nayong ito ay dinugtungan ng “St. Francis” hango sa pangalan ng patron ng bayan na si San Franciso ng Assisi.

References:
*Flora de Filipinas Según el Sistema Sexual de Linneo,” 1845
– Fr. Manuel Blaco OSA
*History and Cultural Life of Meycauayan, 1953
– Bulacan Teachers Association
*Meycauayan 1578-1978, di nalimbag na libro. 1978
– Conrado H. Reyes Ph. D.
*Aklat Pang-alaala 1998 Pagdiriwang ng ika-420 Taong ng Meycauayan
– Benedict Lapeña
*N.S.P. S. Francisco de Asis: Kasaysayan ng Buhay Pananampalataya ng Meycauayan 2008
– Ronaldo N. Dionisio S.B. Econ
*Kasaysayan ng mga Barangay sa Lungsod ng Meycauayan
– City Library and Mini-Heritage Museum