Tuloy-tuloy na muli ang daan patungong Poblacion at Calvario matapos opisyal na binuksan nina Mayor Henry Villarica at Congw. Linabelle Villarica ang tulay ng Poblacion-Calvario nitong Hunyo 28, 2023.
Ayon kay Engr. Eldrin Bergania, ang lapad ng tulay ay nadagdagan ng isa’t kalahating metro na dating 8m, ngayon ay 9.5m na. Gayundin ang taas nito na dinagdagan ng 1m.
Lubos ang pasasalamat nina PB Roberto Orbeta at PB Apolinar del Rosario dahil madali na muli silang makatatawid sa kani-kanilang barangay. Sa pamamagitan din nito, tuloy-tuloy na rin ang daloy hindi lang ng mga sasakyan kundi ng pagnenegosyo sa ating lungsod.