Kinilala ang Meycauayan People’s Market bilang Huwarang Palengke 2022 ng Bulacan sa pagkamit nito ng 3rd Place sa Large Market Category noong Oktubre 28, 2022 sa seremonyang ginanap sa Hiyas ng Bulacan sa Malolos.  Nasa 12 na palengke sa buong lalawigan ang sinuri para sa kategoryang nabanggit sa taunang pagkilala mula sa Bulacan Provincial Government Bulacan Consumers  Alliance Council at DTI-Bulacan Provincial Office.

Kabilang sa mga nakamit ng Meycauayan People’s Market na natatanging pagkilala ay ang MEAT SAFETY COMPLIANCE AWARD sa striktong implementasyon nito sa National Meat Inspection Service sa slaughterhouse at ang SUSTAINABILITY AWARD dahil sa water treatment facility nito kung saan narerecycle ang waste water ng palengke para muling magamit sa mga comfort rooms nito. Ang pribadong palengke ay masusing nakikipag-ugnayan sa City Economic Enterprise Management Office (CEEMO) para tiyakin ang kalidad ng mga produkto at pamamaraan nito para sa consumer safety.