Pinagbuklod ang 99 couples mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod para sa civil ceremony ng Kasalang Bayan na ipinatupad ni Judge Jose Covarrubias, III sa City of Meycauayan Convention Center noong June 30, 2023.
Para sa June brides, sinagot ng Meycauayan LGU ang bouquet of flowers, sa grooms, ang corsage, pati na ang kanilang aras. Bukod pa rito, enjoy silang hinarana ng live band, at nilibre pa sa photobooths at catered food.
Salamat kina Mr. Boy Atienza, ang may-ari ng Goldenhills Jewelry, nasagot na ang kanilang mga wedding ring at sa mag-asawang Villarica para sa kanilang pakimkim. Saksi sa pag-iisang dibdib ng mga couple ang Sangguniang Panlungsod at ilang Punong Barangay at ang City Civil Registry na siyang nangasiwa sa programa. MABUHAY SA MGA BAGONG KASAL!