Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Meycauayan sa ika-21 na pagdiriwang ng Buwan ng Pananaliksik sa Patakaran sa Pagpapaunlad o Development Policy Research Month (DPRM) ngayong buwan ng Setyembre. Layunin ng Proklamasyon ng Pangulo blg. 247 na ipalawig ang kamalayan at pagpapahalaga sa pananaliksik bilang kasangkapan upang “Maging Makakalikasan at Digital para sa Higit na Matatag, Ingklusibo, at Masaganang Kinabukasan para sa Lahat.”