Matapos ang labindalawang (12) taon, dumating na ang pinakahinihintay ng buong Meycauayan. Pasalubong ng ating nagbabalik na Mayor Henry Villarica ang Republic Act No. 11878,  An act establishing a tertiary hospital to be known as the “OSPITAL NG MEYCAUAYAN” o ang pagbibigay ng DOH ng sabsidiya sa pagpapatayo ng ating pinapangarap na pampublikong ospital.

Pinirmahan ni Pangulong Duterte nitong Hunyo 29, 2022, ang RA No. 11878 ang panukalang batas ni Mayor HRV nang siya ay nasa 18th Congress pa at sinimulan ni Congw. LV sa 15th hanggang 17th Congress. Inatasan na ang City Health Office na simulan na ang Hospital Development Plan.