Noong July 1, 2022 ginanap sa Tanghalang Meycaueño sa Bahay Pamahalaan ng Meycauayan ang opisyal na Paglilipat ng Pamamahala para sa ating nagbabalik na Punong Lungsod Henry R. Villarica, Pangalawang Punong Lungsod Josefina O. Violago at mga konsehal. Ang ating mga bagong halal na opsiyal ay nagsimula na sa kanilang mga gampanin at tungkulin.