SOLUSYON SA MAHAL NA PAGPAPALIBING

Isang alternatibong paraan ng paglilibing ang cremation o pagsusunog ng mga labi ng yumao hanggang ito’y maging abo. Matatagpuan ang crematorium na pag-aari ng Pamahalaang Lungsod ng Meycauayan sa Pampublikong Libingan ng Calvario ay nagsimulang gamitin noong ika-16 ng Pebrero 2019. Kumpara sa halaga ng pagpapalibing, umaabot lamang ang halaga ng cremation services sa PhP10,200 at may diskwento pang makukuha kung ang namayapa ay residente ng Meycauayan. Kapag gumamit pa ng financial assistance para sa cremation halos mangangalahati na ang bayarin ng mga Meycaueñong nangangailangan. Mayroon ding inilaan na “crypt” (maliit na libingan) na maaaring paglagakan ng abo ng mga namayapa, sa halagang P1,250.00 sa loob ng 5 taon (renewable).

 

 


Crematorium