Hindi nauubos ang good news para sa mga Meycaueños, dahil nitong Biyernes, Hulyo 1, 2022, binigyan na ng License to Operate ng Department of Health (DOH) ang City of Meycauayan Dialysis Center (CMDC)!

One step closer na tayo sa pinapangarap nating pagbubukas ng CMDC dahil ipoproseso na ang PhilHealth Accreditation at iHOMIS o Integrated Hospital Operations and Management Information System ng DOH. Libre na ang pagpapagamot ng mga Meycaueñong walang kakayahang magpa-dialysis basta’t PhilHealth member. Kaya nitong i-accomodate ang 12 pasyente nang sabay-sabay, kumpleto pa sa mga kagamitan tulad ng emergency cart, medicines, nebulizer pump, defibrillator, ambu bag, ECG, at marami pang iba.Bukod sa Dialysis Center, ipagpapatuloy na rin ni Mayor Henry ang plano ni Congw. LV na magkaroon din ito ng physical therapy center at diagnostic center all in one place!