Anim na ang kabuuang bilang ng idineklarang drug-cleared barangays sa ating lungsod dahil nadagdag na rito ang Brgy. Tugatog at Brgy. Calvario! Ipinagkaloob nitong Marso 29, 2022 ang Certificate of Drug Cleared Barangay na pinagtibay nila Mayor Linabelle Ruth R. Villarica bilang Chairman ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC), PLTCOL Leandro Gutierrez at PDEA RO III Dir. Bryan Babang.

Sa pamumuno ni Tugatog Kap. Francisco Geronimo at Calvario Kap. Apolinar del Rosario, dumaan sa masusing 10-step process ang dalawang barangay bago ito umakyat sa Regional Oversight Committee for Barangay Drug Clearing Program at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office III.

Ang Brgy. Bagbaguin sa pamumuno ni Kap. Apol Orosco ay kinilalang drug cleared noong Nobyembre 17, 2021; samantalang ang Brgy. Pajo at Brgy. Ubihan sa pamumuno ni Kap. Ojie Seminiano at Kap. Niño Villadoz ay kinilala noong Pebrero 10, 2021. Pinakaunang kinilalang drug-cleared ang Brgy. Poblacion sa pamumuno ni Kap. Obet Orbeta.